Callalily / Kean Cipriano Haters

Pumunta ako sa facebook fanpage ng Eat Bulaga at sa Instagram ni Ryzza Mae Dizon para tumingin ng mga Callalily pictures nung guesting nila sa Ryzza Mae Show. Maraming iba’t-ibang kumento yung nabasa ko at nanaig nga talaga yung mga Hate Comments at yung iba naman na sinasabi na gwapo lang si Kean, ganito ganyan. Hindi ko akalain na sobrang dami pala ng haters ni Kean Cipriano / Callalily o si Kean lang talaga dahil siya ang vocalist at dahil sa ugaling pinakita niya nung hindi lang sila nagcha-cha? Alam ko naman na opinyon niyo yan at opinyon ko rin ‘to, hindi man ako 6 years fans ng Callalily basta nung napanood ko si Kean sa BFGF noong 2010, naging fan niya na ako. Sinasabi pa sa akin ng ate ko na ayaw niya kay Kean kasi mayabang daw, pero binalewala ko lang yung sinabi niya na ‘yon at oo nga mayabang siya dahil yun naman ang first impression ng karamihan sa kanya, yun kasi yung nakikita sa kanya. Pero, nasubukan niyo na ‘bang tumingin on his other side? Sinubukan niyo ba siyang kilalanin? Bakit yung mga taong nakagawa ng mas mabigat pang kasalanan hindi niyo pinapansin pero yung simpleng bagay lang na chacha nila e pinansin niyo na? Minsan nakakalungkot isipin kung bakit sobrang babaw na ng mga pananaw ng tao ngayon. Pero siyempre, sabi ko nga kanina opinyon niyo yan. Opinyon niyo kung pa-gwapo si Kean, kung pa-cool si Kean, kung walang-kwenta ang banda, walang kabuhay-buhay silang mag-guesting at sinubukan pang ikumpara sa ibang Banda. Alam ko magaling din yung mga bandang kinumpara ninyo, pero naisip niyo ba na may iba rin naman silang mai-ooffer? Ang mas nakakasakit pa na nakita ko nabasa ko ‘nun “Goodluck, as if naman kung merong magpunta sa concert nila.” Sobrang nagalit ako sa nag-comment ‘nun pero kinimkim ko na’lang kasi alam ko na walang patutunguhan kung aawayin ko siya sa instagram. Hindi ako magpupunta sa concert nila kasi wala akong pera, gusto ko nga sana kasama yung isa ko pang kaklase na fan din ng Callalily, kaso nga lang parehas kameng walang pera ngayong summer. Ang sa’kin lang naman, oo ayos lang kung sabihin niyo yang mga ganyan pero ano ‘bang mararamdaman ng mga taong malalapit sa kanya kapag sinabi niyo yan? Sorry kung para sa inyo pa-gwapo ang Callalily lalo na ang vocalist nito, pero sana subukan niyo naman silang kilalanin, subukan niyo namang makinig ng mga kanta nila. Oo hindi nga maganda yung pinakita ni Kean na asta niya nung nag-guest siya sa Callalily, pero siya lang naman kasi talaga ‘yun e, ganun siya e. Kailangan niya ‘bang magpanggap? Kahit kailan hindi tumatak sa isip ko na ayawan ang Callalily dahil lang sa sobrang panget at maliit na bagay na ginagawa nila, kasi once you’re a fan, you’ll always be a fan at kung fan ka talaga susuportahan mo sila kahit anong mangyari. Kaya  sana naman para sa mga taong nagsasabi na walang kwenta ang Callalily o ang Vocalist nito, sana isipin niyo muna kung may mga nagawa na ba kayong mabuti, meron na nga ba? Lahat tayo may nagawang masama, pero sana huwag naman tayong mag-malinis.  Kung kayo yung mga malalapit sa artistang ‘yon, iba yung mararamdaman niyo’t siyempre malulungkot kayo, sana huwag niyong hintayin na mangyari rin sa inyo yung ginagawa niyo sa pangbababa ng isang artista dahil ayaw niyo lang sa kanila, kung ayaw niyo edi ayaw niyo. Huwag niyo nalang pansinin at huwag niyo nalang sayangin ang oras ninyo.

“People will always have their opinions of you despite who you are and what you are capable of.”

Kaya kahit ano pang sabihin ng iba diyan, magiging fan pa’rin ako ng Callalily at tatanggapin ko sila ng buo dahil hindi lahat ng tao perpekto at lahat tayo nagkakamali, nakakagawa ng hindi tama at lahat naman tayo hindi tayo pinanganak para ma-iplease ang kung sino ‘mang tao.

“Life’s too short to wake up in the morning with regrets. So love the people who treat you right and forget about the ones who don’t.”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s