Sa totoo lang hindi ko alam kung saan ako magsisimula, dahil itong lalaki na’to, na kahit picture lang ang makita ko sa kanya e naiinspired na’ko sa kanya. Kahit na boses niya lang marinig ko e, may kakaibang pakiramdam na siyang binibigay sa’kin. Yun ‘bang hindi ko maipaliwanag. Noong nakaraang tatlong taon kung kailan nagsimula ‘to lahat, dapat hindi talaga ako magiging interesado sayo kaso nakita kita ‘nun sa isang palabas sa BFGF tapos sinunod mo pa ‘yung PS: I Love You at yung kayo ‘yung unang gumawa ng kwento sa Pidol’s Wonderland. At nakalimutan ko na ‘yung title ng palabas ‘mong isa, kung saan e suot mo ‘yung favorite na magic hat mo. Hindi ko naman alam kung maappreciate mo lahat e kasi hanggang pagba-blog lang ang kaya ng fan na ito, hanggang ‘dun ko lang maipaparating kung gaano kita kaidolo.

Hindi kasi ako yung fan na nagwawaldas ng pera para sa ticket concert, kinukuripot ko pa nga sarili ko. Hindi ‘rin ako yung fan na every gig nandiyan, katunayan nga e isang beses pa lang ako nakakapunta ng gig mo dahil maaga naganap ‘yun. At sa katunayan, hindi ko kabisado kung anong nangyayari sa buhay mo, kung anong kinakain mo o anong favorite ‘mong color o sino yung favorite mong international band o kung ano yung nagpapasaya sayo ngayon. Basta alam ko kuntento na’ko sa kung paano kita sinusuportahan, sabi ko nga paulit-ulit hindi naman nasusukat ang pagiging fan sa pagiging addict at yung kailangan alam mo lahat ang tungkol dito. Basta tanggap mo ‘yung musika, tanggap mo kung sino ka at sino sila kahit pa mali o tama, mamahalin mo pa’rin sila. Bali ganon lang ako, dahil kahit marami pang taong magsabing hindi ka gwapo, gwapo ka para sa’kin. Kahit na maraming nagsasabing hindi ka magaling um-acting, magaling ka para sa’kin, kahit na maraming nagsasabing sobrang yabang mo, ikaw naman ang nagiisang mayabang na mabait para sa’kin. Hind naman halata na masyado akong fan mo diba? Pero hanggang sulat lang ako, hanggang doon lang tayo. Hanggang pa-picture, hindi mo maalala ang mukha ko, hindi mo maalala ‘yung blog na ginawa ko para sayo, hindi mo ‘din maalala pangalan ko. Pero okay lang ‘yon, basta makita kita solid na. Hindi ko man alam bawat liriko ng kanta mo, kahit hindi ko kabisado, alam ko naman na lahat ng ‘yon galing sa puso ninyo at mo.

Masyado akong madrama, ganito pala kapag hindi makakasama sa first ever major concert niyo ‘no? magtitiis na’lang akong masilayan ka sa T.V. Hello, Kean Cipriano.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s