ya3

Ito ‘yung sobrang lapit ko sayo yung tipong pwedeng-pwede na kitang dakmain para ma-yakap mo’ko pero alam ko namang bawal at saka nakakatakot gumawa ng eksena sa harap ng maraming tao at lahat sila vinivideohan at picturan ka, alam mo ‘bang may sikreto akong sasabihin sayo? Bawal talaga ako sa mga puro flash at saka sa mga maraming ilaw na papalit-palit, pero tiniis ko ‘yun kahit na sumasakit na ‘yung mga mata ko. Inasar pa nga ako ng mga kaklase ko dahil pag-dating daw sa Callalily, wala akong uurungan kahit patayan pa. Bali, gusto ko talagang mapansin mo’ko nun kaso hindi ko alam kung paano, kinakabahan rin kasi talaga ako sa mga katabi ‘kong fan na fan ka at bawat lyrics ng mga kinakanta mo e alam na alam nila e ako nga iilan palang ang nakakabisado ko at iilan palang napapakinggan ko.

Pero sa tingin ko naman talaga hindi naman ‘dun nasusukat ang pagiging fan, kaya hindi pa’din talaga ako susuko. Kahit na sobrang daming nagkakandarapa sayo, andito pa’rin talaga ako kahit na tumanda ka, kahit uugod-ugod ka na, kahit na marami ka ‘pang isyu, kahit na sabihin nilang mayabang ka o epal ka o kung ano pa ‘man, andito pa’rin ako mananatiling fan mo. Kahit libu-libong tao na ang nagsasabing hindi ka karapatdapat, nandito pa’rin ako kasi, ganun naman talaga ang tunay na humahanga diba? Lahat ng isyu haharapin. Kaya huwag kang magaalala, nandito lang ako.

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s