Happy Mother’s Day!

71494_507478805983369_178941799_n

Mother,

Late na ako para sa mother’s day ayoko kasi mag-post sa FB ng mga ganitong ka-echingan kaya dito nalang sa tumblr kasi onti lang naman nakakakilala talaga sa’kin dito kaya dito na’lang ako magpo-post. Sorry kung sa tingin mo hindi ka namin mahal ni Ate, Kuya at Ako. Pero mahal ka naman namin hindi lang kami ganon ka-showy at hindi namin alam kung paano ‘yun ipapakita. Siguro wala lang talaga sa dugo namin ‘yun pero mahal ka namin. Gabi-gabi akong nagdadasal para sayo at tuwing sabay tayo matutulog lagi na kitang unang pinapatulog dahil lagi ka namang nagkakaroon ng masasamang panaginip. Lagi ‘kong tinatanong kay Lord kung kailan ba matatapos ‘yung paghihirap mo, kailan ba matatapos ‘yung problema mo.. pero sadyang wala pa sigurong sagot, siguro hindi pa tapos pero darating din ‘yung panahon na matatapos ‘yun lahat. Tapos kami naman na ang bahala sayo. Marami na akong kasalanan sayo mama, kaya hindi ko na iisa-isahin, basta hindi ‘rin naman ako naging mabuting anak sayo. Palagi naman ‘yan, at siguro marami pa akong kalokohan na gagawin dahil ngayon talagang nag-eevolve na’ko. Ma, hindi na ako 11 years old 18 years old na’ko. Ayokong batiin at sabihin na hindi kita madidisappoint kasi baka ma-disappoint kita kaya hahayaan ko na’lang, Lagi ka naman naming iniisip, si kuya hayaan mo na ‘yon. Hindi talaga siya magbabago at siguro magbabago lang ‘yon kapag nawala na tayong lahat sa kanya. Pero sana bago mangyari ‘yon e magbago na nga siya. Dami ‘kong gustong mangyari at kapag yumaman talaga ako bibilhin ko lahat ng gusto mo at lahat ng gusto ko. Hayaan mo na’din si Papa, talagang hindi tayo tutulungan ‘non. Ganon na ‘yon e, buti nalang nandiyan si Lola at mahal na mahal ka, andito ‘rin naman ako mahal na mahal kita. Kaso nga lang hindi showy ang anak ‘mong ito.. Kaya huwag ka na malungkot mama kahit sobrang baba ng kita na’tin sa tindahan at wala ng kwenta ‘yung computer shop na’tin dahil wala naman ng naglalaro, ayos lang ‘yan. Malalagpasan ‘rin na’tin ‘to..

Mama, pahingi naman ng pambili ng ticket para sa concert ng Callalily o? 2.4 lang, ang haba nitong sinabi ko e.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s