wew1

Hello Kean!

It’s been almost one month since nakapagsulat ako para sayo, sorry naman kung naudlot. Masyado lang busy ang fan mo sa paglalaro at pag-sasayang ng oras ng summer dahil wala naman talaga akong ginagawa buong bakasyon at nakatunganga lang ako sa harapan ng computer. Naglalaro ng naglalaro, wala po akong social life inaamin ko ‘yon. Pero sana nga talaga magkaroon ako ng social life dahil alam ko naman na hindi ako magkakaroon ng social life tuwing bakasyon, hindi naman kasi namin maiwan ‘yung bahay namin dahil walang magbabantay at isa pa ‘don, wala ‘rin kaming pera pampunta sa mga kung anu-anong family bonding, nakakaiinggit yung ibang pamilya kasi silang lahat e nakakapag-bonding at ikaw talagang nakakapag-bonding ka kasama ‘yung pamilya mo pero ako hindi kasi mas priority naming mag-benta sa tindahan at magbanatay sa shop pero ishe-share ko lang sayo dahil masyado akong malungkot ngayong mga nakaraang araw dahil sa problema dito sa bahay alam ko namang hindi ako ‘yung taong may pinakamadramang buhay pero minsan talaga sobrang hirap ‘no? Lagi ‘kong tinatanong kay Lord kung kailan ba matatapos ‘yung problema ng mama ko, hindi ‘rin pala talaga maganda ‘no kahit may computer shop at tindahan ka dahil sa sobrang kakaunti ng kita. Malapit na ‘yung pasukan at mamomroblema nanaman si mama sa kanyang mahiwagang pagpapabaon saken pero teka nga, wala rin kasi talaga akong makwentuhan ng ganito at alam ko naman na kahit hindi mo mababasa ‘to e, ayun lang gusto ko lang mag-kwento kasi kahit ‘yung iba kwentuhan ko hindi ko naman alam kung may pake sila o wala, kaya kunwari nalang nakikinig ka sakin at kunwari nalang ‘rin tayo lang ang nagkukwentuhan, since onti lang naman ang taong may alam ng blog na’to. At saka onti lang naman may alam ng mga kadramahan ko kaya ayos lang na magdrama sayo, gusto na ulit kitang makita – kailan kaya kita makikita uli? Sana talaga magkaroon na ulit ng Callalilykiddiegig, yung pangalawang beses na nakita kita ulit ‘non, talagang mas kinilig ako. Pero mas wala pa’rin talagang tatalo sa First Time.

Happy mother’s day kay Tita, kahit na late na ako bumati! Goodluck.

PS: Pwedeng-pwede ko na yata i-send ‘to sa Wish Ko Lang at wish ko talaga na maka-bonding ka, pero siyempre hindi naman mangyayari ‘yun at hanggang tingin, hello, picture na’lang ulit.

Hindi ko alam kung matatandaan mo pa ako pag nagkita tayo ulit. Sana..

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s