Random post, sobrang naiinis na ako.

Hindi naman porket may computer shop kayo ibig sabihin mayaman na agad. Ayoko ng ganun, yung laging pinapansin sa’kin nung highschool ako na porket may computer shop kami e mayaman kami. Kung alam lang lahat ng tao na hindi naman kasi talaga kami ganun kayaman at may tumutulong lang samin kaya namin ‘to nalalagpasan lahat. Pero sa ngayon, sobrang ganda sigurong salubong ‘tong april one, sa sobrang ganda gusto kong umiyak. Gusto ‘kong umiyak kase, akala ko matutulungan ulit ako ng tita ko ‘dun sa pagpapa-aral sa’kin, kaso ayun hindi na hanggang first year lang daw e next pasukan — second year na’ko, magkano ang tuition? 38K, sabi ng nanay ko huwag daw ako magalit sa tita ko, hindi naman talaga ako galit sa kanya. Galit lang ako sa panahon, galit lang ako sa oras, kasi naman laging wrong timing e, lahat nalang wrong timing — kaya nakakainis, nakakainis talaga. Kasi ngayon uutang nanaman ‘yung nanay ko, saan nanaman kukuha? Ang dami-dami ng utang, iisa na’lang palaging nag-iisip, kung pwede ko lang sabihan yung kuya ko na mag-hanap ka naman ng trabaho huwag lang yung palamunin ka diyan na lagi ka nalang nagkakasakit tapos kapag nagkasakit ka mag-eemote ka na sana mamatay ka nalang, tapos ano? Kukunsensyahin mo si Mama, parang tanga lang e. Hindi kita maintindihan kuya minsan, nabibwisit ako sayo, gusto ‘kong magalit sayo pero hindi ko naman magawa. Sabi ko naman kay Lord, sana merong jackpot na malaglag sa harapan namin at hindi na kami mamomroblema at mababayaran na lahat ng utang namin, pero hindi nanaman. Pag-subok nanaman. Pagsubok na puro nanay ko na’lang lahat, yung tatay ko wala, yung kuya ko tambay, yung ate ko hindi naman sapat ‘yung kinikita sa trabaho niyang nursing.. Bakit ko ba ‘to sinasabi dito? Tungkol to sa Callalily / Kean Cipriano, pero pagpasensyahan niyo na, gusto ko lang mag-labas ng sama ng loob, kasi alam ko naman na walang may balak makinig kapag ka humanap ako ng kausap, kaya kakausapin ko na’lang yung blog, kaming dalawa one on one. 

Gusto ko sanang pumunta sa concert niyo, kaso ayun, mukhang sobrang imposible. Sakit naman sa bangs nito, huli na’to. Sana.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s