March 20, 2013 (18th Birthday)

552057_495788360485747_265347255_n

 

Ilang araw akong nagpapansin sayo sa twitter para lang batiin mo’ko ng happy birthday pero sadyang siguro hindi ko lang talaga araw nung mga panahon na’yun tapos ‘yung birthday ko na sinubukan ko ulit kaso masyadong marami lang yatang nagtu-tweet sayo kaya hinayaan ko na’lang dahil naging masaya naman ‘yung 18th birthday ko kahit papaano dahil pinaramdam sa’kin ng mga kaibigan ko. Natutuwa ako kasi binilhan talaga nila ako ng album ng Callalily o album niyo (Callalily) at yung isa ko ‘pang ka-klase binilhan niya pa ako ng libro na triology ng The Hunger Games kaya sobrang natuwa ako at saka mahilig ako sa pagkain kaya puro pagkain ang ni-regalo sa’kin. Pero sayang, gusto ko talagang batiin mo’ko nun sa 18th Birthday ko kaso walang nangyaring himala na batiin mo’ko sa 18th Birthday ko at hanggang ngayon nagpapapansin pa’din talaga ako sa twitter para sayo pero sadyang mas marami lang talagang mas maswerte sa’kin ng mga araw na nag-daan at kahit ngayon, kaya ayos lang. Hahayaan ko na’lang at iidolohin na’lang kita ng ganito, masaya naman ako sa 2 beses nating pagkikita, pero nalungkot ako nung sa Major Concert kasi nag-aalala talaga ako kung makakabili ba ako ng ticket para sa major concert, siguro hindi, siguro oo, pero sana at sana makahanap ako ng Summer Job. Kapag ka kasi bakasyon wala talaga akong pera at talagang tengga lang ako sa bahay, gusto ko sanang makapunta sa FIRST EVER MAJOR CONCERT NINYO na siguradong magpapabago talaga ng buhay ko o siguro makakadagdag ng buhay ko. Nakakainggit lang ‘yung mga taong sigurado’t handa na talaga na pumunta, hay siguro sa mga pictures nanaman kita makikita.

Hanggang ‘don na’lang.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s