One day to go..

untitled

Dear Kean Cipriano,

Ang pangit naman kung kina-countdown ko ‘yung birthday ko araw-araw tapos araw-araw na may letter para sayo. Baka naman mag-sawa ka masyado sa mga walang ka-kwentahang kinukwento ko dito. Sana kasabay ng birthday ko may milagrong mangyari bukas sa gaganapin na Myxmusic awards pero kung wala.. sana hindi ko na’lang birthday pero biro lang ‘yun. Mag 18 na’ko ngayong march at patanda na’ko ng patanda, gusto ko talagang may mapuntahan ang buhay ko. Gusto ‘kong matuto sa musika, gusto ‘kong matutong mag-drums, mag-gitara at kumanta. Sana isa-isa ko talaga ‘yung makamit. Balak kasi naming mga kaklase slash mga kaibigan ko na gumawa ng banda, dahil mahilig talaga kami mag-jamming, kahit hindi maganda ‘yung boses ko. Alam mo ‘bang nagiiba-iba ‘yung boses ko kapag ka nasa loob ng cr, nasa labas, o kumakanta na sa mic? Pinakamalala yata ‘yung kapag ka kumakanta sa mic, hindi ko alam mas nagiging barako red bull yata ‘yung boses ko. Kung natatandaan mo ‘yung sa Meet and Greet pati Serenade sa Trinity University of Asia @bengbeng pa ‘yung may pakana — ako ‘yung babaeng kumanta ng yakap sayo na chorus lang ang kinanta kahit alam ko ‘yung unang lyrics, kasi sa sobrang kabado ko sa stage at sa hindi ko alam ‘yung sasabihin ko at talagang SOBRANG daming mga nakatingin na tao, naibuga ko na’lang ‘yung chorus kasi gusto ko ng matapos ‘yung turn ko, nung binigay mo nga sa’kin yung mic hindi ko na alam gagawin ko ‘non. Napakalakas pa nung loob ko na kakantahan kita e, kaso sintunado talaga ako pero natuwa pa’rin ako nung nagpasalamat ka kasi ‘yun yung dinedicate ko sayo. Sayang talagang inaabangan ko kung may milagrong mangyayari bukas kaso wala kasi meron kayong myx music awards, na’ko may nakita nga pala akong video mo sa youtube na may grini-greet ‘kang babae dahil 18th birthday niya na, ang swerte niya’t meron pa siyang video na galing sayo tapos talagang.. hindi ko lang alam. Kasi siguro sobrang saya sa pakiramdam ‘nung ganun. Kahit hindi mo kami kilala lahat gumagawa ka ng paraan mo para makilala mo kaming lahat na mga fans ‘mong nagmamahal sa Callalily at sayo. Habang tina-type ko ‘to sa sobrang init hindi ko na alam kung anong gagawin ko dahil sobrang naiirita na’ko. Defense rin naman pala kasi namin bukas kaya wala ‘din talaga, hindi ‘rin kita mapapanood sa Myx, lagi na’lang maduga kasi hindi talaga kita napapanood sa Myx. Sa bakasyon mapapanood na kita sa banananite kasi naman ngayon talagang may finals pa kami, pero kasi balak ‘din namin ng kaklase ko na mag-summer job para naman magka-pera tapos hindi lang ‘yon.. para maka-ipon at saka baka meron kayong Major concert, (Pero hindi ko talaga alam kung mapapanood ko) gusto ‘kong mag-major concert kayo kapag meron na’ko SLR, para feel ko photographer — pero siyempre charot lang ‘yon. Sana kung nababasa, mababasa o kahit hindi mo ‘to mabasa, sana huwag ‘kang mag-sawa dito. Sa lahat, lahat-lahat.

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s