Three days to go..

kean

Dear Kean Cipriano,

Meron pa akong tatlong araw para humiling sa Wish Ko Lang o kaya kay Lord o kaya kahit kanino na pwedeng makapag-patupad ng kahilingan ko.. pero siyempre tatlong araw na’lang ‘yun at alam ko naman talagang busy yung schedule ng Callalily, kaya malabo. Pero sana ang late birthday gift sa’kin ‘yung makita ko kayong apat tapos magkaroon ako ng chansa para naman makapagpa-picture sa inyo. Noong callalily kiddie gig kasi hindi talaga nagkaroon ng chansa dahil nagmamadali na’din kaming umuwi at sobrang daming fans pa ang gustong magpa-picture sa inyo. Kaya nakakalungkot. Wala lang ito lang napili ‘kong picture dahil nakita ko ‘to sa twitter, naglalaro pa ako nun tapos nung ikaw na ‘yung sasalang sa ulap sobrang nainggit naman ako kay Julia Montes, kasi naman nasayaw ka niya kahit isang minuto lang tapos may instant ‘Tulips’ flowers pa na galing sayo. Iniisip ko na siguro magiging maganda talaga ‘yung 18th birthday niya, pero ako siyempre nasa harapan nanaman ng computer cinecelebrate ang aking birthday sa mga social networking sites, ganyan ang buhay. Pero kailangan ko pa’rin naman talagang mag-pasalamat kahit papaano kasi talagang na-cecelebrate ko ‘yung birthday ko na kumpleto kaming pamilya kahit walang magarbong kahit ano. Heto ako, hiling ng hiling sa mga bagay na alam kong hindi naman matutupad. Heto ako, hindi marunong makuntento. ‘Yun lang talaga ‘yung pangit sa’kin minsan kaya naiinis ako sa sarili ko dahil sa mga bagay na gustong-gusto ko pero hindi ko makuha, e masaya naman ang buhay ko tapos hindi pa ako nakukuntento. Gusto ko lang mag-kwento, lagi naman akong nagku-kwento ng kung anu-anong kababalaghan sa buhay ko tuwing susulatan kita e, diba nga sinabi ko ‘dun sa isa kong sulat na talagang puro kwento lang at saka hindi ‘yung paulit-ulit na mahal kita, idol kita, gusto ‘kong makilala mo ako, gusto ko maalala mo ‘din ako kahit papaano. Masyadong pangit naman yata kung ganon, okay na sa’kin yung napapansin mo’ko ng paminsan-minsan (lang talaga) sa twitter. Dami na ngang nagsasabing ang swerte ko daw kasi kahit papaano napapansin mo ‘yung mga tweets ko tapos nakita na daw kita ng dalawang beses, oo nga sobrang swerte ko lalo na nung firs time. Talagang unforgettable, siguro ang hihilingin ko na’lang talaga sa birthday ko. Sana mag-number one kayong Callalily, kahit naman hindi kayo number one sa chart ng MYX o kahit saan, sa puso naming mga fans number one naman kayo. Hindi naman nakukuha yan sa numero/rankings, diba?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s