Five days to go.

untitled

Dear Kean Cipriano,

Five days to go na’lang mag be-bertday na ako. Biglang nabuo ‘yung linggo ko nung napansin mo ako ng pangalawang beses sa twitter, pero yung una kasi biglang nawala ‘yung tweet mo pero yung tweet mo ngayon na tinuweet ko dahil sa Chalk Magazine, sobrang natuwa talaga ako. Buti na’lang hindi ako nagtatalon sa saya nung ni retweet mo’ko. Naging mayabang nanaman ulit ako kasi napansin mo’ko kasi after na ilang beses ‘kong magpapansin napansin mo’ko ulit. Sana nga e naalala mo’ko, pero okay lang kung hindi pero mas maganda talaga kung naalala mo’ko. Dahil wala naman akong recent picture mo ito na’lang yung pinili ko sa instagram mo, tutal naman kahit saang anggulo ang gwapo mo tignan at saka talagang isa rin sa mga paborito ko yung kantang HKM kahit yung music video sobrang ganda dahil sa comedy niya na nalunok ni Aaron ‘yung isda. Anyways, may ku-kwento nga pala ako ngayon.. nag-away kasi kami ng mama ko dahil sinabi ko sa kanya na gusto ‘kong mag-mass media at ayoko talaga ng HRM at gusto ko pa lumipat ng ibang school, pero siyempre pagkatapos naming mag-away nagbati din kami at saka wala naman na’kong magagawa sayang naman kung hindi ko pa itutuloy at saka sayang yung mga experiences at saka mga kaibigan na na-meet ko kung mag-iiba pa ako diba? Pero gusto ko talagang mag-mass media, ilang beses ko nga ‘bang iku-kwento sayo na gusto ‘kong mag-mass media? Hindi ko alam siguro kapag ka naka-move on na’ko sa mass media saka lang talaga ako titigil sa ganito. Gusto ko talagang humiling na makita ka sa March 20, sa eksaktong birthday ko pero hindi naman kasi talaga ‘yon matutupad kasi alam mo ba? Meron kasi kaming defense ‘non para sa ginawa naming term paper sa Sociology, pero kahit naman wala kaming defense siyempre hindi pa’din talaga kita makikita. Kung kapitbahay lang kita siguro solid na, pero kasi ang layo ng agwat ng lugar mo sa lugar namin. Sa caloocan ako ikaw naman sa Pasig, kung meron lang akong eroplano siguro hindi na problema ‘yung transportasyon, pero FX nga lang hirap na’ko dahil sa mahal ng bayarin papuntang school namin, biruin mo 114 balikan. (Ang layo kasi tapos hindi ko talaga alam paano ako napadpad sa TUA) Ang dami ko namang sinasabi na walang ka-kwentahan na alam kong hindi ka naman makaka-relate pero nagku-kwento pa’rin ako baka sabihin talaga ‘nung iba na wala ng sense ‘yung mga pinagsasabi ko, tapos nagsasabi pa’rin ako ng kung anu-ano. Ano kasi, gusto lang talaga kita ulit makita na mag-perform ng live tapos nasa harapan talaga ako — tapos ‘yung tipong parang hindi ka na talaga makaalis dun sa stage, dahil sa gustong-gusto ‘mong mag-perform at kumanta, kumanta para sa mga tao — para sa lahat. Baka sabihin na ng mga taong sobrang baduy na ng sinasabi ko sayo at saka baka sabihin nilang hindi na’to sulat at nagku-kwento na’lang ako. Alangang kapag ka magsusulat ako ng letter sayo e, yung talagang paulit-ulit na’lang? Siyempre, ito yung letter na kakaiba. Kasi iba ang paghanga ko sayo, o pumi-pick up line pa ako. Basta regalo ko sa march 20 a? Sana makita nga kita kahit saan ‘man lang mall tapos maalala mo’ko pagka nagpa-picture ako sayo.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s