Six days to go..

qqq

Six days nalang magde-debut na’ko. Mag 18th birthday na’ko, alam mo bang sinabi ko pa sa mga kaklase ko na dapat mag-ala Kean Cipriano sila tapos yung 18 roses ko nga ikaw, puro ikaw lang tapos puro pag-mumukha mo. Pero siyempre napaka-imposible ‘non. Sa sobrang daming problema at gastusin dito sa bahay naiisip ko ‘pang mag-biro ng ganito. Tapos naiisip ko ‘pang mag-blog/mag-sulat para sayo .. wala lang pampatagal rin kasi ‘to ng stress at saka kapag ka pumupunta ako sa blog ‘kong ‘to nawawala naman kahit papaano ‘yung mga problema ko kasi nababasa ko ng paulit-ulit ‘yung mga kabaliwan na pinagsasabi ko tungkol sayo, tungkol sa callalily at sa kung ano pa. May sasabihin pala ako sayo, alam mo ‘bang yung ibang kaklase ko o kaibigan ko ayaw basahin ‘tong blog na’to kasi daw sobrang haba ng mga pinagsusulat ko sayo. Ayos lang naman sa’kin kung ayaw nila, ayos lang ‘rin naman sa’kin kung ako lang yung reader ng blog na’to kahit paulit-ulit. Pero natutuwa ako kasi madami naman nagbwi-bwisita kahit papaano, pero ang iniisip ‘kong rason kung bakit sila napunta sa blog na’to kasi gusto nilang masilayan ‘yung pictures mo at yung Callalily.  Isa pang ayos lang ‘din, kasi siyempre baka nadadaanan ‘din nila o nababasa o nahahagip ng mata nila ‘yung mga importanteng mga sinusulat ko kahit wala naman talagang importante dito at paulit-ulit lang yung mga sinasabi ko. Gusto ko ‘lang talagang maka-experience ng kakaibang 18th birthday pero malabo na’yon, kasi 6 days to go na’lang. Pero siyempre, kailangan ko pa nga din magpasalamat kasi kahit papaano makakaramdam pa ako ng pagce-celebrate, kasi ‘yung iba talagang wala. Kaya kailangan ko talagang maging kuntento at kung may dadating ‘man, siyempre salamat.

Balak ko nga pala talaga sumulat dati sa Wish Ko Lang, yung tipong ako na’lang yung magsusulat tapos gagawin ko sa magpapa-favor ako sa kaibigan ko na siya mag-send sa Wish ko Lang. Para naman makita kita o kaya naman sumaya ‘yung 18th birthday ko, hindi ka talaga mawala sa 18th birthday ko ‘no? Pero alam mo ‘bang sobrang thank you ko talaga nung nakita na kita ng dalawang beses sa isang linggo lang ‘yun, dahil hindi ko talaga inaasahan na sobrang advance ng birthday gift sa’kin ni Lord. Kaya Dear Wish Ko Lang, sana naman mabasa niyo ‘to tapos sana umabot pa bago mag-birthday ko mabasa niyo yung sulat ko, actually hindi ako nag-email dito lang sa blog na’to.. Pero siyempre, echos lang ‘yon.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s