20

Dear Kean Cipriano,

Ito ‘yung unang-unang Gig na napuntahan ko, masyado na ‘bang nakakasawa kasi paulit-ulit kong sinasabi? Kasi hindi talaga ako maka-move on sa mga pangyayari na naganap noong nakaraan, nung March 7 — nung nakita kita sa school namin mismo na dati sinasabi ko na sana mapadaan ka lang pero mas grabe pa ‘yung nangyari. Tapos yung nalaman ‘kong sobrang lapit lang ng Bistro sa school namin. Yung naalala mo ulit ako .. sobrang saya ‘non, kasi kahit ‘don naalala mo pa ako. Oo nga pala nalaman ko ‘din na ‘yung SM City San Lazaro, malapit lang din sa’min kaya kapag ka pupunta kayo ‘dun pupunta ‘rin talaga ako. Kaso ang layo kasi nung Bacoor, ‘dun na yung mga tito’t tita ko at saka ang mahal ng pamasahe papuntang Cavite, kaya hintayin na’lang kita ulit mag-Gig. ‘Yung phone nga pala nung ka-klase ko sobrang puno ng mga pictures mo nung nasa harapan ako noong CallalilyKiddieGig, dahil alam ko na bawat picture e mahalaga, bawat capture ba – sobrang halaga. Kasi minsan lang talaga mangyari ‘yon. Nung sinabi ko pa sayo na first time namin, sinabi mo na pumunta ulit kame. Sana nga magkaroon pa ulit ng CallalilyKiddieGig para hindi talaga ako maka-move on. Gusto ko ‘rin lang pala sabihin na habang kumakanta ka, parang naka-glue na ‘yung mata ko sa mga bawat galaw mo at sa bawat tugtog na ginagawa ninyo, dahil alam kong sobrang laki ang magiging pagsisisi ko kapag ka pinalampas ko lahat ng mga nakikita ko, kaya nakakatuwa talaga ng sobra dahil habang tumutugtog kayo bawat ginagawa ninyo talagang tumatatak sa isipan ko. May sasabihin lang ulit ako mag-18th birthday na pala ako sa March 20, anong regalo mo sa’kin? De joke lang, alam mo bang kinukulit ko ‘yung ka-schoolmate ko na kulitin ka niya sa twitter na magpa-shout out daw siya sayo na batiin mo’ko o kaya naman fansign, pero hindi naman mangyayari ‘yon dahil bawat minuto sobrang daming nagtu-tweet sayo. Sobrang swerte ko na nga lang nung pinansin mo ‘yung tweet ko kahit isang minuto lang tapos biglang nawala e, pero okay lang kasi atlis napansin mo ‘yun kahit na sangdaan na ‘yung mga nagtu-tweet sayo. Wala pa kasi talagang nagiging memorable na birthday ko e, sa labing-pitong taon na pamamalagi dito sa mundong ibabaw, hindi pa ako nakakaramdam nung mga sobrang saya na Birthday, kaya sana may magandang mangyari. Kahit naman hindi mo’ko mapansin, basta sa iba na’lang o kaya .. ewan ko.. Sana mag-livestream ka na’lang ulit, hindi ko kasi naabutan.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s