My love for you will never die.

kean1

 

Noong… isang daang taon..

De joke lang ‘yon. Bali iilan na yung solo pic ko with Kean, marami-rami na’rin at sana madagdagan pa’yon.  Kala ko talaga dati hanggang pangarap lang kita. Yung tipong titignan ko mga pictures mo sa google, sa instagram o sa kahit anong site tapos sabay kanta ng – “Pangarap lang kita ng PNE” pero ngayon mas sobra pa ‘yung nanalo ako sa lotto. Mas sobra-sobra pa’din yung naalala mo’ko. Kahit hindi mo nababasa lahat ng mga sinusulat ko dito, ayos lang sa’kin. Siguro darating din ‘yung panahon na mababasa mo’to at maalala mo na ako ‘yung babae sa Beng-beng sa Trinity University of Asia na kumanta ng Yakap para sayo, na sintunado at nag-sabi sayo sa meet and greet na “May blog ako para sayo.” at hindi ko makalimutan ‘yung mga kataga mong, “Sige, i-tweet mo sa’kin.” Meron pa, “Maraming salamat ‘dun sa kanta a. Maraming salamat.” tapos yung isa pang, “Magaling. Ang galing.” Kahit sintunado ako kumanta, dahil don talagang hinanap ko pa yung 70’s Bistro kasama mga kaibigan ko dahil may nakapagsabi din sa’kin na lagi daw kayong naggi-gig ‘don. Dati ang problema ko walang pera at saka ‘yung oras, pero sulit yung oras at pera noong narinig ko na kayong buong “Callalily” na tumugtog sa harapan ng maraming tao o pakiramdam ko ako nga lang ‘yung nag-iisang tao ‘dun, pero feeling ko lang naman ‘yon. Pero sana ‘no, haranahin niyo ko. Pero siyempre, “sana lang naman.”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s