Gusto ‘kong sticky post ‘to.

callalilyIto na ‘yung isa sa mga araw na pinakatalagang tumatak sa isipan ko at hindi ko malilimutan. Dahil sa sobrang gusto ko talaga kayong makitang apat na tumutugtog ng “live” at sa harapan ng maraming tao na kasama ako, ayan masyadong fulfillment ‘to. Pero nagpapasalamat pa’rin talaga ako kay Lord, dahil kung hindi dahil sa kanya siguro hindi talaga mafu-fulfill ‘yung pangarap ko na makita ko kayo. Araw-araw ‘man akong magpapansin sa twitter siguro, okay lang sa’kin yun kahit hindi niyo ko mapansin basta ba makita ko lang talaga kayo sa personal at maramdaman ko ‘rin yung musika ninyo. Sobrang solid na’yon para sa’kin. Kakasabi ko nga lang dati na sobrang advance birthday gift na sa’kin yung makita ko si Kean pero paano pa kaya kayong buo talaga? Natuwa ako noong una kong nakita si Tatsi at saka si Aaron, buti na’lang nakapagpa-picture agad ako sa kanila pero walang tig-solo pero okay lang ‘yon. Tapos si Lemuel naman na nakita ko sa Trinoma at saka nag-dalawang isip pa ako kung ia-approach ko ba o hindi, pero sa huli inalis ko na ‘yung hiya ko at kinapalan ko ‘yung pagmumukha ko para makausap siya. May sinabi siyang good news pero siyempre, bad news para sa’kin dahil wala akong pera. Siguro makikiparty nalang ako sa twitter para sa mga taong makakapanood ‘nun. Pero sana talaga mas marami pang CallalilyKiddieGig, sana gumawa pa kayo ng maraming ganito at sana ‘rin laging nandun sila Kuya Kleggy, dahil nung una kong marinig ‘yung musika nila, sobrang ganda at sobrang nakakatawa talaga si Kuya Kleggy pati na’rin sila Kuya Ney. Thank you Callalily, Kuya Ney, 6CM, Banda ni Kleggy. Nadagdagan pa ang aking mga inspirasyon🙂

54Oo nga papala, ito ang aking first picture with Kuya Kleggy, Dello and Rye Sarmiento of 6 Cyclemind. Sobrang saya dahil narinig ko talaga ang kagandahan ng “OPM” dahil sa sobrang dami ng mga ibang kanta o bagong kanta e, minsan talaga hindi na napapansin yung sariling atin. Kaya sana subukan naman na’tin silang pakinggan!

100_6690 100_6694
With Kuya Ney Dimaculangan & Rye Sarmiento na sobrang approachable at sobrang bait. Sana makita ko pa ulit kayo!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s