Dahil gusto ‘kong mag-labas ng kung anong nararamdaman ko.

Siyam na araw na’lang bago yung aking pinaka-engrandeng birthday celebration na kaharap ko ay ang mahiwagang computer. (Mag 18 na’ko sa March 20) Tandaan niyo ‘yun guys tapos regaluhan niyo na’lang ako o kaya naman batiin niyo na’lang ako o kaya kahit yung mga members ng Callalily ‘e batiin nila ako isa-isa, pero siyempre mahirap masyado ‘yon. Ayos na ‘yung nakita ko talaga sila ng buo nung CallalilyKiddieGig, ‘yung lahat sila tumutugtog at sabay-sabay na nagpapasaya ng mga tao.

May parteng malungkot sa’kin ngayon kasi masyado akong naguguluhan. Naisip ko talaga na gusto ‘kong mag-mass media pero wala naman na’kong magagawa dahil andito na’to. Ito na’to e, kaya kailangan mahalin ko ‘rin kung anong kursong pinasukan ko. Isa pa sa mga nakakalungkot ‘yung tipong nararamdaman ‘mong nangliliit ka sa sarili mo, pero pilit mong sinasabi sa sarili mo na “huwag dahil hindi naman kailangan, dahil may kanya-kanya tayong paraan kung paano na’tin maipapakita kung gaano kahalaga sa’tin ang isang tao.” pero minsan hindi ko maiwasang mainggit at malungkot. Mas masyado ko yatang naging inspirasyon ang Callalily, pero siyempre hindi naman ako malungkot, masaya naman ako.

Ang iniisip ko lang talaga kung paano ‘yung kaarawan ko, iniisip ko kung paano magiging memorable ‘yun. Pero siyempre, siguro hahayaan ko na’lang. Dahil sanay na’ko sa labing-taong simpleng buhay lang at noong natuto ang mag-computer, nasa harapan lang ako ng computer mapa-christmas, mapa-new year, mapa-birthday ko o ng kahit na sino sa’min dito.

Tapos..

Masyado ng emosyonal, dapat hindi tungkol sa’kin ‘to e.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s