03

Dear Kean Cipriano,

Bali siguro mga ilang araw lang na hindi ako nakapag-sulat sayo. Yung talagang “sayo” lang. Mga ilang araw ‘din, apat siguro dahil masyado akong na-excite na makita ka muli pagkatapos ‘yung Bengbeng dun sa may school namin sa Trinity University of Asia, pumunta naman ako sa Gig mo sa may 70’s Bistro, akala ko talaga malayo ‘yun pero tignan mo talaga sobrang bait ng tadhana at talagang dininggin ang panalangin ko. Nakwento ko na dun sa isa kong post na kami ‘yung unang pumunta dun sa 70’s Bistro dahil sa sobrang eksayted ko, sa totoo lang nakakatakot kasi hindi ko naman alam ang gagawin. May bumaba pa ngang mga fans mo na may dalang bulaklak para sayo, kaya parang naisip ko na bakit parang ako walang dala? Pero inisip ko ‘yung sinabi ko na, “Hindi naman sa ganun nasusukat ang pagiging fan.” Siyempre, kinalma ko ‘yung sarili ko. Ilang oras kaming nag-hintay para masilayan kayo at sinasabi ko sa sarili ko na “ito na ‘yun, makikita ko na kayo ng buo.” Kaya sobrang saya ko noong una kong nasilayan sila Tatsi at saka si Aaron, ang tangkad ni Tatsi kaya namangha ako at nahiya pa akong magpa-picture nun at saka bumalik pa ulit ako para lang makapagpa-autograph kaso ang awkward kasi ‘yung picture na pinagpa-autographan ko ‘yung picture na’ting dalawa sa Bengbeng, pero sabi lang ni Kuya Aaron, “A si kean.” Tapos medyo nahiya naman ako kasi hindi ko talaga alam saan sila papapirmahin ‘don ko lang naisip ‘yon. Pagkatapos nun naghintay pa ulit kami at noong nasilayan na kita, natuwa ako kasi nakita kita ulit. Gusto sana kitang yakapin kaso ayaw ko namang gumawa ng eksena at saka baka sabihin sa’kin nung ibang tao na papansin ako sayo. Kaya kinalma ko na’lang yung sarili ko nung nakita kita. (Alam mo ba noong una kitang nakita sa eskwelahan namin halos mawala ako sa sarili at gusto ko na sanang umiyak kaso nga lang masyado daw korni kapag ganon, pero gusto ko talaga pinipigilan ko lang. At noong nakita kita nun, hindi ko akalain na “ito na yun, makikita na kita.) Tapos nung nagpa-picture naman ako, nung sinabi ng kasama ko na kami yung taga-trinity naalala mo ako at lalo mo pa akong naalala nung pinakita ko ‘yung picture na’ting dalawa kaya naman natuwa ako nun. Tapos tinanong ko pa ‘yung blog kung nabasa mo na’ba pero siguro hanggang ngayon hindi mo pa’din nababasa, kasi busy ka alam ko ‘yun kaya siguro hihintayin ko na’lang na mapansin mo mismo ‘to. Ayoko kasing magpapansin na i-tweet sayo yung blog ko kasi nakakahiya, kaya mag-hihintay na’lang ako. Kagaya noong unang pag-hihintay ko sayo na gustong-gusto kitang makita, kaya siguro magiging ganun din kung matututo akong mag-hintay. Siguro sayo ko na’lang iku-kwento yung pagiging emosyonal ko ‘dun sa isa kong post, kasi gusto ko talagang mag-mass media ‘non, para makita kayo baka kasi baka kasi, makita ko kayo kapag ganun at siguro maka-trabaho ko pa kayo (yun yung masarap na pakiramdam) kaso nga lang may mga bagay na bawal lang talaga sa’kin kaya hindi ako nakapag-mass media, kapag ka sinabi ko dito baka sabihin ng ibang tao na nag-papaawa ako kaya hindi na’lang siguro. May iba pa akong pinapangarap, gusto ko sanang makilala niyo ko at makilala ko kayong ng mabuti kagaya ng ibang fans, kasi nakakainggit sila. (Pero swerte na’ko nung naalala mo’ko at nakita kita ulit kaya siguro mag-hihintay na’lang ako at hindi magiging atat.) Gusto sana kitang maka-usap ng kahit limang minuto na walang ibang biglang kakausap sayo, pero masyadong imposible ‘yon. Dati pa nga e, gusto ko sanang sabihin sa nanay ko na sumulat sana siya sa Wish Ko Lang, para makita kita. (Ganun ako ka-desperada) pero nagpapasalamat talaga ako dahil sa paghihintay ko, nakita kita. Talagang, kung sino yung marunong mag-hintay, bibiyayaan talaga ng sobra-sobra. Kaya sobrang dream come true na sa’kin lahat ‘to. Ipagpapatuloy ko pa at sana ipagpatuloy mo pa ang mga bagay na nasimulan mo at nandito lang ako, kami lahat ng mga nagmamahal sayo at sa buong banda ng Callalily! Kahit na hindi ako ‘yung fan na sumubaybay sayo nung nagsisimula palang kayo, kahit iilan taon palang, pakiramdam ko na pitong taon ko na kayong kasama sa buhay ko. Maraming salamat! Ipagpatuloy pa ito! PEACE🙂

4 thoughts on “

  1. Hi! Callalista rin ako🙂 naligaw lang ako dito sa blog mo sa sobrang boredom ko. Haha. Anyway, this is the first post that I read from you regarding Kean ang grabe, naramdam ko intensity nang pagiging fan mo.🙂 hope to meet you soon sa mga gigs.

    • Hello maraming salamat. Hehehehehe nako nakita mo naman siguro yung pagmumukha ko sa mga picture kaya hindi na malabong pwede akong mahanap sa mga Gigs, hello sana ma-meet din kita medyo awkward nga lang ako.. kasi hindi naman ako ganung katagalang fan ni Kean.

      • OMG! NAGCOMMENT MISMO GF NI KEAN SA BLOG MO! SHUNGA U! PLASTIK UNG ANJELICA NA YAN!!DONT DARE TO GET CLOSE TO KEAN OR SHE WILL KILL U!SWEAR! IMPOKRITA YAN!! ‘N SHE REALLY LIKES IT WHEN ODER FANS GET JEALOUS OF HER!!GO TO HELL ANGELICA! KEANPOT DOESN’T DESERVE A BITCH HYPOCRITE LIKE U!POKPOK!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s