First CallalilyKiddieGig

tatsiarron

100_6622

Pagkatapos nung hang-over ko kay Kean noong nakita ko siya sa school namin sa Trinity University of Asia, at nalaman ko talagang malapit lang ‘yung 70’s bistro sa school namin talagang nagbalak ako na puntahan at sakto 4pm wala na kaming pasok nun dahil 1:30pm ang labasan namin. First time ko lang makapunta sa Gig ng Callalily. Sa dinami-dami ng panahon na nasayang akalain mo ‘yun talagang sobrang magkalapit pa’rin talaga kami.

biset

Ayan, kami pa talaga unang dumating sa Bistro nun. Pero may kwento kasi talaga ‘yun dahil first time lang talaga naming pupunta sa Bistro. Lumagpas pa kami dito kasi alam namin may Jollibee pa. Nag-tanong na kami isa Guard ng jollibee, hindi pa’din alam tapos nagtanong kami sa mga delivery boys ng Mcdonalds sabi sumakay daw kami ng Tricycle. Edi sumakay nga kami ng tricycle at sabi ni kuya, 8pesos per person. Wala pang tatlong minuto di umano’y bigla na kaming nakapunta sa Bistro bar at lintik na, nadaanan na papala namin ‘yung bistro bar dahil hindi namin talaga napansin. Sa sobrang excited ko (oo ako talaga may pakana nito) naghintay pa kami ng isang oras-kalahating oras bago kami pumasok sa loob dahil nahihiya pa kami, pero kami ‘yung unang dumating tapos sumunod na ‘yung ibang manonood. Yung iba pa nga’y may dalang bulaklak, nagtaka lang ako pero siyempre naisip ko para sa Callalily ‘yun pero nahiya din ako kasi wala naman akong mai-ibigay, pero nga diba ineencourage ko sa sarili ko na hindi nasusukat sa pagiging fan ‘yung mga ganung bagay?

Magku-kwento pa ako pero dahil hindi pa kumpleto ‘yung mga pictures, siguro pagkatapos nalang mag-upload ng kaklase ko at saka bawal nga pala talaga mag-upload ng video dito dahil hindi naman ako nagpapa-premium o yung nagbabayad ba ‘yun. Dahil naisip ko na hindi ko alam kung paano at saka baka magkamali lang ako kahit na gusto ko talagang ipa-upgrade, pero walang pang-upgrade.

Wala pa nga papala si Lemuel sa mga pictures diyan sa susunod ko na’lang ipo-post dahil nga nahuli yata siya ng dating kaya hindi ako nakapagpapicture dahil unang dumating sila Aaron at Tatsi, ang una kong impresyon kay Tatsi, sobrang tangkad at ang gwapo niya lalo na pag-ngumiti. Si Aaron naman, may pagkahawig kay Ely (Sabi ng kaklase ko) at noong tinignan ko nga, oo nga may pagkahawig.

[May susunod pa ang paglalakbay ko para mapalapit sa Callalily…]

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s