kc1

Dear Kean Cipriano,

Ipagpatawad mo kung hindi ako nakapag-sulat sayo nitong mga nakaraang araw siguro talagang sinipa lang ako ng katamaran pero hindi naman ibig sabihin nun e titigil na ‘yung pagsulat, paghanga at pagmamahal ko sayo. Hindi naman sa busy dahil foundation week lang namin ngayon, masaya naman kaso nga lang mas sasaya kung isa talaga ang Callalily sa mga mag-special guest para sa Battle of the Bands kaso nga lang talaga hindi naman talaga pinagpala kaya hindi ko talaga kayo makikita ngayon. Kailangan ko pa talagang maghintay at magtiis at  maglahad ng mga nararamdaman ko para sayo sa pamamagitan ng sulat. Pero kung makita man kita , hindi ibig sabihin nun titigil na’ko sa pagsusulat sayo. Hindi, dahil simula palang yun ng walang katapusan. Kung sa pangalan(username) ko na 88days lang ang pagsusulat ko sayo, hindi talaga ‘yon. May rason kung bakit ganito yung napili kong url/username/pangalan. Siguro tsaka ko nalang siya irereveal pero sa mga taong madaling maka-gets siguro makukuha ‘rin kung bakit naging 88days.  Alam mo bang napaginipan na kita na nakita daw kita sa isang mall na nageendorse ng isang stall ng pagkain pero sikat daw yung stall na’yon eh masyadong maraming tao ang gustong makakita sayo kaya nagmadali ako at iniwan ko yung kaklase ko ang nakakatawa pa nga tumalon daw ako sa escalator para lang makahabol sa mga makakapasok kasi nagsimula ng hindi magpapasok yung mga security guards tapos nakapasok ako tapos tinawag kita at sabi ko halikan mo’ko sa pisngi pero tumanggi ka kasi ang dami kong pimples kaya hindi mo’ko hinalikan, kaya ako nalang ang humalik sayo tapos nakasunod yung kaklase ko at pinicturan niya tayong dalawa. Ang weird alam mo ba yon? Pero minsan lang talaga ako managinip tungkol sa isang artista na sobrang hinahanggaan ko talaga. Gusto ko lang ulit sabihin sayo na dapat ang course ko talag AB Commarts, kasi alam ko talagang maka-media yung course na ‘yon kaya baka sakaling ma-interview kita o kaya naman kapag naging reporter ako makita kita, basta sa ABS-CBN ako mag-ojt at magta-trabaho pero masyadong masaklap kasi sabi ng Mama ko mahirap daw makahanap ng trabaho ang AB Commarts, kaya nag-HRM nalang ako pero siguro talaga hindi AB Commarts o hindi ang kurso ang magdedesisyon kung paano kita makikita, kaya maghihintay nalang ako. Pag nakita ba kita pwede bang halikan moko? Sa pisngi kako, pero kung mabait ka sa lips? Masyado na ‘yon, pero ang mayakap ka ayos at solid na.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s