kc3

kc2

Dear Kean Cipriano,

Una muna pala sa lahat, sasabihin ko na yung ibig sabihin ng 88daysofkeancipriano. Ang ibig sabihin kasi nun ay, (infinity) kasi ang 8 diba eh infinity sign? Kaya yun ang naisip ko at ito na ‘yun. Ito na talaga ‘yun. Napadpad ako sa pag-seserenade sayo (kahit hindi ka sere-serenade ‘yung boses ko) dahil sa nag-volunteer ako nun habang wala ka pa tapos yung meet and greet akala ko talaga wala pero meron pala talaga ‘yun. Kinakabahan talaga ako at hindi ko alam ang sasabihin ko kaya tumalon na’ko sa chorus na “Huwag kang mawawala sa aking piling, siguradong hindi ko ‘to kakayanin.” Dapat sisimulan ko ‘yun, kaso nawala na’ko yung sa’kin mo na binigay ‘yung Mic. Tapos nakakakaba kasi sobrang daming taong nagsisitinginan at hindi ko pa alam ang sasabihin ko. Talagang nagustuhan ko ang Callalily dahil sa nanood ako ng BFGF, noong una talagang Magbalik, Susundan at Stars lang ang trip ‘kong kanta mo pero ayon biglang nagbago dahil sa nakita ko ‘yung potensyal mo sa BFGF, ang isa pa ‘don yung pag-iinspire mo sa maraming tao hindi lang sa mga ‘looks’ na yan kung hindi ‘yung pagmamahal mo sa musika. Yung mga kaklase ko nga tuwang-tuwa sa’kin dahil sa wakas makikita na ‘din kita. Dati hanggang papansin lang ako sa twitter pero hindi mo talaga ako napapansin doon pero ngayon napansin mo na talaga ako kahit siguro segundo lang naalala mo’ko na sinabi ko na ‘yung kakantahin ko para sayo yung “YAKAP”. Dahil talagang yun yung pinakapaborito kong kanta sa lahat. Kahit naman hindi ako nanalo dun sa kantahan o kaya naman kahit hindi ako nanalo ng Samsung Galaxy SIII, panalong-panalo na’ko nung nakita kita. Pero noong una pa nga, okay na sana sa’kin yung nahawakan mo’ko nung bumaba ka sa kotse mo. Kasi kahit doon nalapitan na kita tapos nahawakan pa kita kahit hindi ko pa naririnig ‘yung boses mo ng malapitan. Hindi ko inalintana ‘yung init at iba pa, basta lang talagang makita kita. Sobrang naiinggit talaga ako dati sa mga taong nakikita at nakakausap ka, sobrang laki ng pasasalamat ko kay Lord, sa mga kaibigan ko, sa beng-beng at talagang higit na pasasalamat SAYO, Kean Cipriano. Hindi ko na alam kung ano pang mga palamuting salita ang sasabihin ko pero talagang natutuwa ako ngayon at siguro hindi na ako maiinggit sa mga taong nakikita ka palagi dahil para sa’kin yung isang beses kitang nakita para na’rin kitang nakita araw-araw. Sana huwag kang tumigil, sana huwag kang mawala, sana huwag kang mag-sawang ibahagi sa’ming mga fans mo ang pagmamahal mo sa musika. PS: Gusto sana kita halikan nun, kaso sabi mo “May sakit kasi ako, ayaw kita mahawaan.” kinilig na’lang kao bigla. Maraming salamat at sana makita pa kita muli!🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s