OLYMPUS DIGITAL CAMERA

Dear Kean Cipriano,

Ngayon lang talaga ulit ako nagkalakas ng loob at nagka-oras para lang talagang makapag-blog dahil sa sobrang busy namin sa school. Unang-una sa lahat yung picture na ‘yan hindi sa’kin dahil hindi ko pa talaga napipicturan yung bengbeng na nakuha ko sa TUA (Trinity Univ Of Asia) dahil lowbat ‘yung aking camera. Gusto ‘kong magpasalamat sa bengbeng dahil sa kanila nakita kita Kean. (Tapos nakalimutan ko na ‘yung mga susunod na sasabihin) sa totoo lang kung babasahin mo ‘tong blog ko huwag kang magsisimula sa una please, mag next-page ka na’lang kaya kung babasahin mo ‘to tumigil ka na ngayon dito at maglipat ng page dahil yun yung mga araw na gustong-gusto talaga kita makita. Hindi ko pala nasabi sayo na nawala ‘yung album mo na binigay pa sa’kin ng kaklase ko na may pirma mo pa noong grade six siya 1st and 2nd album mo ‘yun iniyakan ko talaga ‘yun nung nawala. Tapos ayun hindi na nahanap kaya sobrang nakakalungkot lang talaga. Pero ayon magkukwento na ulit ako, dati rati talagang sinasabi ko lang na “kailan kaya kita makikita?” talagang nakakailang beses akong ganun at meron pa nun sa UP Fair na niloko ako ng mga kaklase ko na nandun ka daw pero loko-loko lang talaga nila ‘yon tapos pumunta ka pala talaga. Tapos bago ‘yung beng-beng naman sa FEU naman pupunta ka dapat sa 27 or 28 diba? Kaso hindi natuloy kaya na move sa March 16 nalungkot ako kasi bawal ‘yung mga outsiders sa FEU kaya ayon hindi ko alam kung kailan kita makikita. Nung nalaman ko naman talaga na pupunta ka dito, TALAGANG PUPUNTA KA, at tinanong pa namin (bali yung kaklase ko kasi nahihiya ako) kung pupunta ka talaga para mag-guest sa TUA para sa pag-eendorse ng beng-beng, natuwa ako ng sobra-sobra at kinakabahan na’ko bawat minutong lumipas dahil hinihintay ko ‘yung mag 2PM, doon na talaga, doon ko na talaga talagang-talaga ikaw nakita at hindi ko alam kung anong gagawin ko. Sabi ko nga kapag nakita kita siguro maiiyak ako ng sobra-sobra o walang siguro, pero hindi ako nakaiyak dahil sa sobrang kaba at sobrang nahihiya na’din ako sa sobrang dami ng tao. Pero talagang ang laki ng pasasalamat ko kay Lord sobrang salamat dahil sa wakas nakita na’din kita! To be continued pa’to.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s