q

Dear Kean Cipriano,

Kanina dumating sa school namin yung Pinoy Media Congress (ABS-CBN) tapos nagulat talaga ako kasi siguro malapit na kitang makita sa sobrang kasabik kong makita ka niyakap ko na yung truck balak ko pa sanang magpapicture kaso nga lang sabe ng mga kaklase ko mukha daw akong baliw pero sabi ko nga ayos lang kahit na magmukhang baliw e ako naman yung magiging baliw hindi sila pero masyado silang cocnerned sa’kin. Tapos naghahallucinate pa ako na nasa gulong ka o kaya naman kapag ka inakap ko yung truck bigla kang lalabas, ginagatungan kasi nung kaklase ko kaya ayan tuloy napasobra. Gusto kong makapunta sa mga concert mo o kaya naman sa mga gig mo kaso nga lang hindi talaga ako mapalad na tao. Naiinis kasi ako bakit laging gabi wala bang umaga? Pero kailangan nga ba nagkaroon ng umagang concert at saka Gig? Pagka-ako naging presidente ng pilipinas, gagawin kong umaga ang concert o kaya hapon para sa mga hindi mapalad, e magiging mapalad para makita ang kanilang mga idolo. Sana naging kaklase nalang kita o kaya naman sana kung mag-aaral ka ulit sa school ka na lang namin, Trinity University of Asia, ayan ineendorse ko na yung school namin. Mababait naman mga tao diyan pero siyempre mas mabait ako. Balak ko nga pala talaga dating sumulat sa Wish Ko Lang at saka kay Ate Charo, kaso naman si Ate Charo naman kasi kwento talaga ‘dun hindi matutupad kaya sa Wish Ko Lang dapat, tapos nangangarap pa ako na dati may susulat para sa’kin para makamit ko ang mga pangarap ko pero siyempre echos lang ‘yon. Magtu-twitter nalang ako siguro pagka-birthday ko tapos titignan ko kung mapapansin mo talaga ako o hindi kahit fansign lang o kaya naman basta kahit na mapansin mo ako kaso nga lang sa dinamidami ng mga gustong magpapansin sayo, mapansin at maalala mo kaya ako? Hibang na nga talaga ako sayo kasi gusto kita makita, pero wait lang sila kapag ka nakita kita, kapag nakita talaga kita. Iinggitin ko sila isa-isa.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s