w

Dear Kean Cipriano,

Ito yung isa sa mga larawan na tingin ko sobrang hirap gamitin kasi talagang ramdam na ramdam mo kung gaano mo kamahal ang musika. Hindi ko alam kung bakit mahirap, isama mo na’rin pati yung mga humahanga sayo na sabik na sabik sayo. Siguro magiging ganyan din ako kung makita ‘man kita at maging malapit ka sa’kin habang binubuhos mo lahat ng talento mo sa entablado. Naiinggit ako dun sa dalawang maswerteng tagahanga mo na nakita ka ng malapitan at nahawakan ka pa habang nag-gigitara ka, nakakainggit talaga. Kaya minsan hindi ko maiwasang hindi mai-save ng paulit-ulit ‘tong larawan na’to dahil sobrang ganda. Nagbabasa ako ng mga tweets sayo ng mga tao kanina, talagang nakakamangha at saka naiisip ko talaga na sobrang swerte nila kasi napapansin mo sila. Kanina pa sa radyo, narinig ko yung Ginuman Fest, puro malalayong lugar wala ‘man lang talagang, pwedeng ‘Cubao?’ Nakakainggit yung mga taong makakakita sayo sa mga araw na ‘yon na pupunta kayo sa Ginuman Fest, inuman kasi ‘yon, mabait akong bata bawal ako ‘don. Pero kung payagan man ako, gusto lang talaga kitang makita. Sana kung magkita man tayo bigyan mo’ko ng remembrance o kaya naman jacket bigyan mo’ko, kala mo naman sobrang close e ‘no para hingiin yung jacket pero kasi, magiging pakiramdam ko talaga ‘non na palagi mo’kong niyayakap.  Ayoko sanang mag-asam sa birthday ko sa march 20, kasi baka talagang ma-disappoint lang ako. Dati kasi may taong pinangakuan na’ko na ganito-ganyan sa isa ‘ring artistang idolo ko kaso hindi naman nangyari kaya simula nun talaga ang hirap ng umasa lalo na kapag ka ang usapan pag-dating sa taong iniidolo ko. Gustong-gusto ko ng makita yung buhok mong hindi sinusuklay (O sinusuklay mo na ba siya ngayon, o hindi pa’rin talaga?) gusto ‘kong sabihin sayo kung gaano kita ka-idolo, pero baka hindi na’ko makapagsalita kapag ka kaharap na kita. Kung hindi mo ‘man ako mapansin, siguro sana mabasa mo na’lang ‘tong mga sulat na’to, hindi naman masamang mangarap, diba?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s