kean1

Dear Kean Cipriano,

Umaasa talaga ako na sana bumisita ka sa eskwelahan namin. Sinisimulan na ng mga kaibigan kong nakakita sayo na inggitin ako, ang bango mo daw, ang bait mo daw, sobrang bait mo daw. Gusto ko ‘rin maranasan yung mga naramdaman nila noong nakita ka nila at nahawakan nila yung kamay mo at narinig nila yung tinig mo, gusto kong tumigil ang mundo ko kakapakinig sa tinig mo. Naatat siguro talaga akong makita kita, alam mo bang gustong-gusto na talaga kitang makita halata naman sa mga sulat ko at sa lahat ng katagang salita na binibitawan ko e. Ang swerte talaga nila, siguro sobrang saya talaga nila nung nakita ka nila, ako siguro hahagulgol ako sa iyak kapag ka nakita kita. Gusto ko ng makita kung paano mo tinutugtog yung gitara at yinayakap mo ito ng may pagmamahal. Nakakahanga ka kasi, ikaw yung isa sa mga talagang ‘singer/musician’ na nagpapahalaga sa tunay na kulay at buhay ng tunay na ‘musika’ at samahan ng isang ‘banda’ na para bang hindi kayo matitibag ng kahit na ano at kahit na sino at kahit anong materyal na bagay, aalalayan niyo pa’din yung isa’t-isa. Tuwing maririnig ko yung pangalang ‘Kean Cipriano’ bigla nalang hindi ako mabibingi at tuloy-tuloy na’kong mahuhumaling sa mundo ni ‘Kean Cipriano’. Nakikita ko talaga sa bawat larawan na kung paano mo binibigay yung 100% mo para maging masaya ka, para lahat maging masaya, nakikita ko yung ‘pagmamahal’ mo sa iba’t-ibang bagay kahit ang ginagawa mo lang kumakanta. Dahil kapag ka kumanta ka na, wala na e. Ito na yung ‘Kean Cipriano’, yung Kean Cipriano na alam kung ano talaga ang ‘musika’ at yung Kean Cipriano na mahal na mahal yung mga taong nakapaligid sa kanya. Kahit naman hindi mo ako kilala o kaya kahit naman isa ako sa mga milyong fans mo e, alam ko namang mahal mo’ko dahil lahat ng sumusuporta sayo, mahal mo at kahit dun nalang, dun nalang ako kumakapit. Gusto ko nga palang sabihin sayo na gusto ko talagang mag-photoshop at mag-aral kung paano yung vexel na yan o yung vector na ‘yan dahil kapag natutunan ko yan siguro halos lahat ng mga larawan mo na makita ko, ivevector o ivevexel ko (kahit na hanggang ngayon naguguluhan pa’din ako sa difference nilang dalawa) kung magaling lang ako mag-drawing, nagpadala na siguro ako ng drawing sayo (teka magkano ba yung padala sa LBC?, sana mura lang) pero siyempre hindi ako biniyayaan, siguro sa mga sulat lang talaga ako na ganito biniyayaan at pagmamahal at sobrang pag-hanga sayo, pero tama na ‘yon, kasi malaking pasasalamat naman ako dahil naging parte ka ng buhay ko, dahil naging parte ka ng buhay ng lahat ng taong humahanga sayo! Saludo ako.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s