k1

Dear Kean Cipriano,

Ito nanaman susulatan nanaman ulit kita buti nalang hindi ako busy pero siguro sa second week of February busy na’ko dahil sa semi-finals namin. Anyways, hindi ko naman dapat sinasabi sayo kung ano yung meron sa exam namin.. May konek na yung picture sa isusulat ko para sayo. Kaya ko napili ‘yung picture na’to kasi nakikita lang talaga kita sa magasin, sa mga pictures, sa internet (sa twitter na gusto kong magpapansin sayo pero dehins mo naman ako mapansin) sa T.V (minsan pa nga hindi talaga kita nache-chempuhan dahil may pasok ako) at siyempre hindi kita nakikita sa radyo, pero naririnig ko yung maganda mong tinig. Lagi ko namang tinatanong sa sarili ko na, “Kailan kaya kita makikita?” Sana bukas o kaya kung pwede ngayon na. Pero siyempre, masyadong mapagkait ang panahon kaya siguro hindi pa ngayon, siguro kailangan ko pang mag-hintay at mag-tiyaga. Maghintay at magtiyaga, dahil alam ko naman na lahat ng paghihintay at pagta-tiyaga na gagawin ko e magiging worth it. Lahat ng pagpapapansin ko kahit hindi mo’ko pinapansin, e magiging worh it. Kapag nangyari ‘yon, hindi lang sa internet o kahit saan pang bagay kita makikita, kundi harap-harapan na, harap-harapan kong maririnig yung tinig mo, yung kung paano mo hawakan yung microphone kasabay ng gitara at sabay kakanta para sa mga taong nagmamahal sayo. Darating ‘yung panahon na isa na’ko sa mga taong nakikipagsapalaran na nanonood sayo ng harapan, na gustong-gustong mahawakan yung kamay mo o matitigan mo. Pero ayos lang naman siguro kung makita kita sa malayo, pero mas ayos kung malalapitan kita, kung mayayakap kita at kung masasabi ko sayo kung gaano kita hinahangaan. Hindi lang sa bonus points na iba mo pang ginagawa, kundi sa kung paano mo naiinspire yung mga tao sa paligid mo at patuloy itong minamahal. Siguro nga, kapag nakita kita magiging paborito ko na talaga yung “Nothing beats the first time.” Gusto ‘kong masabi yan sa mga taong hindi naniwala sa’kin na maaabot ko yung pangarap ko na makita ka, gusto ‘kong masabi yan dahil hindi na lamang ako nagkakathang-isip, kasi totoo na lahat. Totoo. Kaya kung hindi ‘man ngayon, hindi bukas, hindi sa susunod na araw, hindi sa susunod na buwan o taon. Basta, makikita kita. Maliit lang naman ang mundo e, maghihintay ako o hintayin mo ako, hintay at tiwala lang. Mayayakap din kita at sa yakap na ‘yon, makakaya mo ng pawiin lahat ng pagta-tiyaga at pag-hihintay na nagawa ko, sa yakap na ‘yon para mo ng pinatunayan kung gaano kaganda ang mga bituin, kasama ka.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s