dd2

Dear Kean Cipriano,

Isang araw nanaman ang lilipas at patuloy pa’rin talaga akong umaasa na makikita ka at patuloy na nangangarap na sana talaga makasabay ‘man lang kita sa pagsakay ng jeep (pero masyadong imposible dahil mahal na mahal mo yung kotse mo na kahit saan e, dinadala mo siya) o kaya naman nga sabi ko sa SM North o kaya naman sa Gateway e makabunggo kita, kaso nga lang baka hindi mo naman ako mapansin dahil sa madaming susunod sa’yong fan, pero sana ako yung isa sa mga fan na maging ma-swerte at mahawakan ka ‘man lang o makausap ka. Hindi ko naman hinihiling na ako yung maging gitara na hinahawakan mo, yung microphone na hinahalikan mo tuwing kumakanta ka, yung mga shades mo na tinatago-tago mo at inaalagaan mo, pagkain na kinakain mo o kaya naman mga bagay na iniisip mo. Ang gusto ko lang talaga, sana ako yung isa sa mga masu-swerteng tao na makita ka na kumanta ng harap-harapan at makisabay sa nararamdaman mo habang kumakanta ka, sana. Gusto kong magpa-print ng cute size na mga pictures mo kaso hindi ko alam kung saan ko siya ilalagay kasi wala naman akong paglalagyan dahil wala akong photo album o kaya naman kapag ka dinikit ko ang pangit naman kapag ka tinanggal ko ulit ‘yon. Gusto kita gawan ng scrapbook kaso tamad ako.  Nagaalala nga pala ako kasi baka iba isipin nung mga taong humahanga sayo tungkol dito sa sulat ko na baka ang hatid lang e magpapapansin sayo at baka kwestunin ako ng kung anu-ano na baka sabihin nila na ang tanging hangad ko lang talaga ay magpapapansin at baka ‘rin kwestunin nila kung gaano katagal na kitang iniidolo. Pero nakakainis kasi kung kwekwestunin nila ako nun, sasabihin ko na hindi naman talaga nasusukat ang pagiging ‘fan’ sa kung gaano mo katagal nagustuhan ang isang tao o kung gaano kadaming concert o gaano kadaming album o lahat ba ng movies lahat ng interviews e nasubaybayan ba o ni pag punta mo lang kahit saan alam nila o kaya yung pinakamaliit na detalye na tungkol sayo e alam nila, siguro hindi ako ganun. Hindi ko alam yung mga maliliit na detalye tungkol sayo, hindi ako bumibili o nanonood ng mga concerts mo, minsan lang kita mapanood sa T.V at hindi ‘rin naman ako matagal na fan dahil mga second year highschool o third year highschool palang ako nagsisimula, may mga ganun kasing tao na hindi maiwasang mag-kwestyon ng ganon kaya nakakatakot lang. Pero kung hindi naman nila maintindihan kung paano yung paghanga ko sayo, hindi ko na lang talaga siguro ipapaliwanag sa kanila dahil bakit mo ipapaliwanag kung hindi naman nila iintindihin? Basta ako, iniidolo kita, gusto kitang makita.. gusto ko ako yung isa sa mga taga-hanga mo na maririnig yung boses mo hindi lang sa T.V o sa youtube, isa ako sa mga taong nakikipaglaban para lang makita ka.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s