Image

Dear Kean Cipriano,

Onti na’lang siguro (siguro, siguro) makikita na kita dahil sinubukan kayong kunin ng school namin bilang special guest sa gaganapin naming Battle of The Bands, kaso masyado kasing busy ang sched niyo, kasama rin pala yung Gracenote at hindi pa kasi masyadong afford at madami pa daw paglalaanan na ibang bagay para ‘don. Natuwa na nalungkot ako nung nalaman ko yun pero natuwa naman ako sa huli kasi alam ko namang malapit na kitang makita, onting-onti nalang, siguro kailangan ko lang talagang magtiyaga at maghintay. Magtiyaga at maghintay para kapag ka nangyari yung gusto kong mangyari, isang bagsakan lang at magiging sobrang worth it lahat nung mga bagay na ganito. Ang banda na magiging special guest namin yung Paraluman (E ft. kean cipriano, diba meron kayong kanta ng Paraluman na kasama ka? Pero siyempre alam ko namang hindi ka makakasama dun, pero siguro pahiwatig na’din yun. Isabay mo na’din yung Silent Sanctuary. Manonood pa’din naman ako ng Battle of The Bands kahit hindi ikaw yung special guest kasi hindi naman yun yung rason kung bakit may Battle of The Bands, pero sana nga, sana nga e malapit na. Yung iba kong kakilala sabi wala daw akong pag-asa kasi hindi mo daw ako mapapansin o hindi kita makikita, pero mali sila — dahil kapag ka gusto may paraan at kapag ayaw may dahilan. Pero marami rin namang taong sumusuporta sa kung anong gusto kong mangyari at natutuwa ako ‘don. Kaya ang ginagawa ko nalang araw-araw kong chinecheck yung twitter mo baka kasi yung tweet ko sayo nung isang araw baka mapansin mo, pero noong isang araw pa ‘yon at malabo mo na talaga siyang mapapansin dahil milyong tao ang nagtu-tweet sayo. Pati sa instragram mo hinihintay ko kung may bago ka talagang upload na picture, siguro yung mga ‘fan’ talaga na nakita ka na ganun din naman yung ginagawa. Pero mas gusto ko talaga sa “sulat” kasi nalalabas mo kung ano yung nararamdaman mo at kung ano yung gusto mong sabihin ‘dun sa tao. Na gusto ko lang din patunayan sa ibang tao na hindi pa’din laos ang pagsusulat kahit na alam mong nagpopost ka lang sa isang social networking site, kung alam ko lang naman kasi yung address ng bahay mo, siguro araw-araw na’kong nagpadala diyan kahit mamulube ako kakabayad sa pagpapadala ng sulat sayo. Hindi nga pala ako yung fan na araw-araw kang inaabangan sa T.V dahil siguro tamad ako at hindi ko naabutan, pero pinanood talaga kita sa tunay na buhay. “Marumi man akong tignan, malinis naman akong magmahal.” At yung isa pang sinabi mo na tumatak sa isipan ko, “Dapat dun ka palagi sa masaya. Dapat dun ka sa bagay na mabibigay mo yung 100% mo para kahit mapagod ka, diba masaya ka.” Salamat at tuloy-tuloy lang akong magtitiwala.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s