Image

Dear Kean Cipriano,

Patawarin mo ako kung hindi ako nakapag-sulat ng letter para sayo. May nangyari kasi kagabi, nawala (at hanggang ngayon) kagabi yung 1st and 2nd album mo. Pero ang totoo hindi naman sa akin yun at sa kaklase ko ‘yon, pero may pirma mo sabi niya pa sa’kin noon na grade six niya pa pinapirmahan sayo ‘yun nung sa may SM Fairview ka palang papunta-punta, pero hindi mo pa ako fan nun, naging fan mo ako nung bandang second year or third year highschool na ako dahil sa BFGF, pero gusto ko pa’rin naman dati pa yung mga kanta ninyo, lalo na yung Stars at saka Yakap na theme song nung BFGF. Bagay na bagay nga kayo ni Alex Gonzaga at gusto kong maging kayo pero kung bibigyan ng pagkakataon, pwedeng maging tayo. Pero siyempre biro lang ‘yun kasi nung tinanong ako ng kaklase ko, “PAANO” (lang naman) kung ligawan mo daw ako ipagpapalit ko ba daw yung taong mahal ko sayo? Sabi ko ayokong magpaligaw kasi wala akong confidence at saka mas maganda kung yung special friend o special someone nalang. Ang pang-showbiz ng sagot ko, nung nawala nga pala yung album mo na binigay lang sa’kin na tinetreasure ko kahit na hindi naman ako nagpapirma nun, e humagulgol talaga ako at nagtampo ako sa nanay ko kasi siyempre espesyal ‘yon. May mga bagay na kahit naman ibigay sayo siyempre, kapag alam mo namang mahalaga at saka talagang konektado sayo, maiiyak ka nalang. Bali ganito yan, fan mo ako pero 2 albums palang meron ako na nawala pa at hindi naman ako bumili, kasi bukod sa kuripot ako sa sarili ko, kapos pa’rin talaga ako sa pera at saka sabi ko naman sa sarili ko na hindi naman nakukuha ang talagang pagiging “fan” sa pagbili lahat ng albums, posters, pagpunta sa lahat ng Gigs, concert o pag-stalk sa twitter at araw-araw alamin kung ano yung kinakain o kung anong oras ka natulog, hindi naman ganun yun — diba? Kasi sa totoo lang yung dalawang albums din pala may kasamang poster na isa may pirma niyo ‘rin kaso nawala ko ‘rin kaya siguro feeling ko madidisappoint ko yung kaklase ko nung highschool na nagbigay sa’kin nun. Pero hahanapin ko pa’din, sabi ko nga sa birthday ko (March 20), kung mababasa mo lang naman mga sulat ko.. E kahit na fansign mo lang at ipost mo sa twitter/instagram mo ayos na sa’kin (Krizza Castillo) yung buo kong pangalan, pero pangarap lang naman ang lahat ng ‘to at saka wala namang masama diba? Kahit na daang-libo ang nagfa-follow sayo sa twitter, milyon ang nagtu-tweet sayo sa twitter.. hindi naman ako susuko. Siguro darating din yung tamang oras. Letter ko talaga para sayo ‘to pero parang nagkukwento lang ako ng buhay ko, diba? Pero idolo talaga kita, naiinggit ako sa mga babaeng kinakantahan mo ng malapitan at kapag malapit sayo niyayakap mo pa sila (sana payagan na’ko ng nanay ko na magpunta sa mga magiging concert mo) magei-eighteen na’rin naman ako. Nakakainggit lang yung mga taong may mga chansang makita ka, ako hanggang dito lang. Pero gusto naman kasi talaga kita, kasi sobrang humahanga ako sayo. Keep inspiring everyone!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s