Image

Dear Kean Cipriano,

Hello, another letter for you. Gusto ko sanang i-english kaso baka matawa ka sa english ko kaya hindi nalang kaya magtatagalog nalang ako at saka sa una lang talaga ako maayos mag-english sa susunod wala na. Magkukwento nalang muna ako, balak ko sana magpa-tattoo ng Kean Cipriano sa may pulso ko kaso nga lang, sabe ng kaklase ko huwag muna daw kasi kapag ka may nangailangan baka hindi ako maka-donate ng dugo. Pero gusto ko ‘rin i-try yung hena (?) tama ba spelling? Maayos kasi ako maglettering sa kamay kaso kailangan ng praktis, sabi ko pa sa kaklase ko e balak ko nga talagang magtrabaho dun sa tattoo shop mo o kaya puntahan yung bahay mo sa pasig, kaso hindi ko naman alam. (Malayo kasi sa’min yun e, hindi ko pa alam paano pumunta) napanood nga ‘rin pala kita sa tunay na buhay nung saturday, sa totoo lang ang gwapo-gwapo mo dun pero lagi ka namang gwapo pero mas okay lang kung nagshe-shave, pero gwapo ka pa’rin kahit hindi ka nagususuklay ng buhok. Nakita ko ‘rin na mahilig kang mag-collect ng rosary kaya kung makita man kita magbibigay ako ng rosary sayo, pero hindi ko pa alam kailan ‘yun, ang cute-cute mo noong bata ka, siguro masarap kapag naging kaklase ka. Wala naman akong pakielam kung mayabang at babaero ang tingin ng ibang tao sayo, pero para sa’kin ikaw pa’din talaga yan kasi may kanya-kanya lang talagang “dating” yung mga tao. Hindi pa naman kasi talaga kita nakikita sa personal pero feeling ko naman na mabait ka, gusto ko ‘rin nung ininterbyu ka sa Tunay na Buhay kasi nung tinanong kang mayabang, ang prangka ng sagot mo at hindi ka nagdalawang isip. Lalo akong napangiti doon sa, “musician” at hindi “rock star”. Bago pa humaba to ng humaba, sasabhiin ko sayo na gusto talaga kitang makita, gustong-gusto ko. Gusto ko ‘rin na sana tumatak din ako sa isip mo kahit milyon-milyon yung fans mo, hahayaan ko nalang na panahon yung magtakda. (Akala mo naman kwentong lovers e ‘no) may picture ka nga palang banana, meron din akong saging na picture nakalagay “Saging ni Krizza” kaso hindi ako kasama sa picture, yung saging lang. Oo nga pala sabi ng kuya ko, nasaktan ako sa sinabi niya e. “Pa kean-kean pa daw ako hindi mo naman daw ako mapapansin.” Pero sige lang, okay lang ‘yon kasi alam ko naman na makikita kita o kaya naman basta, hindi naman siguro masyadong madamot ang mundo. Papatunayan ko sa kuya ko na lahat ng nilalaan kong oras na pag-stalk, pag-basa sa mga tweets at pag-tingin sa mga picture mo e magiging worth it.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s