kean1

Dear Kean Cipriano,

Balak ko gumawa ng sulat sayo. Pero sulat araw-araw, pero hindi ko naman kasi alam kung magagawa ko yun araw-araw kasi minsan may pagkatamad ako. Nung una talaga ayoko sayo, kasi yung buhok mo hindi maayos tapos yung mukha mo ang dumi dahil hindi ka naman nagshe-shave. Pero gusto ko yung boses mo kasi sobrang gwapo lalo na kapag ka kinakanta mo yung Stars, isa sa mga pinakapaborito kong kanta ‘yon tapos yung Yakap na narinig ko nga sa BFGF at dun na talaga kita nagustuhan kaso ang lungkot kasi hindi ko napanood yung Ending ng BFGF kasi nakalimutan ko yata ‘yon o nakatulog ako, o hindi ko alam baka nasa harapan ako ng computer naglalaro. Pero simula nun hindi ka na nawala sa isip ko tapos nagbalak ako gumawa ng twitter dati lahat pati avatar mukha mo pati background ko sa twitter ikaw, tapos ako pa mismo nag-edit nung background kong ‘yun kaso hindi ko na yata siya na-save (Hahalungkatin ko para sayo) tapos lagi ako nagpapapansin sa twitter lagi kitang tinatag sa mga walang kakwenta-kwenta kong pick-up lines kaso hindi moko napansin si Migz Haleco lang yung nakapansin sa’kin nun tapos nag I Love You siya sa’kin, ako talaga hindi kaya swerte lang nung iba, inggit lang. Nagsawa ako sa twitter kasi naman e tinamad na talaga ako tapos yung kaklase ko nung highschool ako bali ewan ko kung binigay niya sa’kni yung album na may pirma mo, yung Destination XYZ yun pati yung Fish Eye album tapos yung poster nawawala yata, nakakainis lang baka patayin ako nung kaklase ko. Pero ayos lang ‘yon kahit hindi naman talaga ako yung nagpapirma nun at hindi kita nakita, makikita ‘din kita tiwala lang kaso hindi ko alam kailan matagal pa yata. Sana naman makita kita dumadaan sa Gateway o kaya naman sa may SM North lang yung tipong gitnaan lang na malapit sa Cubao kasi dun ako nagaaral sa may Trinity University of Asia, akala mo naman pupunta ka tapos binibigyan pa kita ng buong detalye e ‘no? La lang, ang gwapo mo talaga tapos ang talented mo. Kbye, gustong-gusto kitang makita, nakakainis lang ang pagkakataon ngayon.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s